Sunday, September 27, 2009

atleast..


09/23/o9
wednesday

last day para sa bayaran ng fieldtrip.Well,wala ko problema dahil nakapagbayad na ko.P.E ang first subject.Tapos naglunch kami.Nakatxt ko nun si Alfred.Sabi nya sorry daw kase di na sya makakasama.Sabi kase nya date nung tinanong ko kung sasama sya,basta kasama si jovelle.Hmm,personal reasons.E ako,umiral na naman ang pagiging mabait (haha XP).Para kasing ang lungkot pag kulang.Hindi lang naman sya ang hindi pa makakasama nung time na yun.Pati sila Patrick,Lester.Jomar saka si mixoo.Kaso si mixuu me sakit kaya di talaga makakasama.So sinabi ko kila Cha na gawan namin ng paraan.Inopen yun sa buong klase.Kaso sabi ni Jomar,ayaw talaga nyang sumama.Kaya nung nagcontribution kami,para sa tatlo na lang.Eto pa,yung kay Lester,barkada nya na ang sumagot.Kakatouch.Hehe.Bale dalawa na lang yung kelangan namin sagutin.Nung nakolekta yung mga pera,kulang pa ng 600.Di ko na alam kung san namin huhugutin yun.Hanggang sa naisip ko na manghingi sa ibang tao.Haha.Pakapalan na ng mukha to.At dahil makakapal naman ang mukha ng MATTS,yakang-yaka namin yan.Hehe.Sinimulan namin maghanap ng mga kakilala namin.Nung una,barya lang binibigay nung iba,tapos me nagbigay ng 20..40..tumataas.Nakasama pa namin yung dalawang icons na friend nila elmo.Malaki din yung nabigay nila.Hanggang sa nangalahati yung kulang.At nabuo namin yung 600.Sobrang saya talaga namin nung nabuo yung pera.Biruin mo,dalawang tao ang naisama namin sa fieldtrip.Kahit nagpawis at nag amoy araw,oks lang!Me meryenda pa kami courtesy of Maám Ronqui.

Ok na sana lahat.Kaso nung gabe na,me nangyare na naman.

Ayos lang sabihan ng problema.
Ayos lang sakin na sandalan kahit nasasaktan ako.
Ayos lang yun.Sanay na ko.

Pero wag naman yung sabihan ako ng mahal ako.Kahit di totoo.

Ayoko ng maulit yung dati.Na umasa ako na totoo lahat ng nanyayare.Ayoko na maniwala sa isang bagay na ako lang naman ang nakakadama.Ayoko.

Mahal ako.

Tapos,malalaman ko,napagbuntungan lang pala ko ng sama ng loob.

Sobra.

09/24/09
FIELDTRIP


MATTS :))



Ayoko ng isipin yung nangyari nung gabe na yun.Maga ko nakarating sa school para magsave ng upuan para sa MATTS.E nak naman ng kuba.Walang number yung mga bus.Kalahating oras ata ako andun ng walang ginagawa kundi tumanga.Andun na sila Alex,Humprey,Gian,Lester at kolin nung dumating si Ren.Nakita na daw nya yung bus.Savior.Nakasakay na kami.

Nagdatingan na yung mga classmate namin.Nasave ko na din ng upuan yung iba.Bandang likod kami.Sinubukan ako kausapin ni Nico.Kase alam nya galit ako.Di ko lam kung bakit pero nung time na yun,di ko talaga sya magawa kausapin o harapin man lang.Siguro nga kase pangatlong beses na nangyare yun.Napagod na siguro ko.

Sa byahe,etong si Patrick,nananadya ata.Puro mga kanta ko pinapatugtog.Haha.Joke lang.Pero fairness.Tagos skin yung mga yun.

Unang pinuntahan,Science Centrum.Wala naman masyado pangyayari dahil di naman kami pumasok sa loob kase nabwiset kame sa dame ng tao.Bukod sa nakita ko si Kit,wala ng ibang magandang nangyare.Hehe.Tapos nung byahe papuntang Gardenia,tinabihan ako ni Alfred.Sa jumpseat sya.Nakipagpalit kay Patrick.Ayun,napagalitan ako.Hehe,joke lang.Tinanong lang nya kung bat daw hindi ko pinapansin.Ayun.Pinaliwanag ko.Tapos ayun.Sa lahat ng pinagsasabi nya,sa wakas.Nalinawan na din ako.



"Ang problema kasi sayo,puso lang pinaiiral mo.E kung sabay mong pinairal yang puso't isip mo,de sana alam mo na yung gagawin mo ngayon."

"Kung napahalagahan lang yang nararamdaman mo,di na ko magtataka kung masaya na kayo ngayon.."



Yun nga problema e.Wala.Walang nakapansin na dapat din yun pahalagahan.


Sa Gardenia.Ok lang.Mainit sa planta pero me libreng tinapay kaya ok na din.Pag-alis,di na kami napatuloy sa lunch.Diretso na ng Enchanted.Sa byahe.Ayun binanatan namin ni Jenn yung kabet.Haha.Ewan.


It really hurts.Ang magmahal ng ganito.Kung sino pang pinili ko,hindi makuha ng buo.Hanggang ganto na lang nga,kailangan ko tong tanggapin.Nasa puso mo ngayo'y mayron na ngang ibang umaangkin.



Pagdating sa Enchanted.Wala ng kaen.Diretso agad kami.Pila sa Anchors.Tas sakay sa dulo.Haha.Grabe.90 degrees pala nun.Namaos talaga ko kakatawa.Sunod naman flying fiesta.Lentok naman kase.Sarado yung space shuttle.Kaya ayun.Punta kami sa may parang laruan.Malapit sa anchors.Basta ayun.Tapos naglaro kami ni jenn sa may car race kase fave talaga namin yun.Sa dream catcher naman,nakuha ni Elmo si blue,na binigay kay cha,na walang alam sa mangyayare sa mga susunod na oras..


Tapos kumaen kami.Mahal nung pagkaen,ginto ata.


Humiwalay na kami ni mona para hanapin yung mga kasabwat sa gagain namin for Cha.Hinanap namin yung boys.Ilang pila ata yung napuntahan namin nun para mahanap sila.Hanggang sa nikita namin sial sa pila ng log jam.Humiwalay na din si Elmer kila Cha.Magbibihis na daw yung matts.Kaya ayun,napagusapan din namin.




(habang dinidistract si Cha :P)


PROCEDURE:


Pagbalik nila Cha,sasamahan nila ako magbihis.Tapos dadalin namin si Cha malapit sa Grand Carousel para hintayin si Elmo.Pagdating ni Elmo,magpapaalam sya na magpapalit lang ng damit which is dala ni cha sa pinaka malapit na cr.Pag alis ulit ni Elmo,isa-isa magdadatingan yung boys.May ibibigay na rose kay Cha kasabay ng isang (name it)KORNIng banat na gawa ni Elmo(haha..).Pagtapos ng eleven roses,lalapit si Elmo at ibigay ang isang ordinaryong bulaklak.At pagtapos non...jaraaaaan!isang sobrang cheesy na eksena.





(the magic is here :) )


(habang naguusap sila)



Nung mga time nayun,nilapitan ni Will si jenn.At nung mga oras na yun.Me tatlong taong naapektuhan.

Yung dalawang taong nagmamahal kay jenn..

At ako.

Kase alam ko,naapektuhan sya.





"Sa sitwasyon natin na to,di ko alam kung san tutungo
alam kong mahirap at mali ,pero mahirap din isuko.

Nung nakilala mo ako,di ko binalak manggulo
gusto ko lang mapatunayan na ikaý mahal ko
.."





Sa pagtatapos nung araw na yon.Madami ako natutunan.Mga bagay na dapat dati pa lang alam ko na.Mga bagay na matagal ng nasa harapan ko,di ko lang pinapansin.




Lahat kaya natin gawin,basta sama-sama.Kahit isang balde na pawis ang ilabas mo,basta alam mong me tao kang mapapasya dahil dito,ayos lang.




Sa sarili ko.Sigurado.Alam kong me limang tao akong napasaya nung araw na yon.




Minsan,kelangan mo din di magparamdam.Hindi para pakitang wala ka na.Kundi para malaman mo kung gano ka kahalaga para sa kanya na gagawin nya lahat bumalik ka lang sa tabi nya..



Sa mga oras na yon,hindi ko naramdaman yon.Kailan kaya darating yung oras na gagawin nya lahat para lang mapasaya ko?Haha.Taee.Ang arte.



"Kahit kelan ba,nageffort na sya para pasayahin ka?"


-idol



natanong ko na din yan sa sarili ko.


aist


...

mama


happy birthday ma!!



hindi ako nakapagpost ng mismong birthday mo,pero kahit sobrang late na to,at hindi mo rin naman mababasa,gusto pa din kita batiin..






happy birthday for the best mom in the world!!love you!!

Sunday, September 20, 2009

tara,magtunawan tayo..


"alam mo para kang alikabok.."

"huh?bakit?"

"kase mahal kita.."

haha,taee..Sana may connect no?Wala,natatawa talaga kase ko nung nakwento sakin yan.Maisingit lang e,hehe.Ewan ko nga ba sa dalawang to,nuknukan ng kakornihan.Korni na cHeesy pa.Hmm,sarap.


(bago mag chem,walang kurapan.WINNER:Cha)

(ere sa cantin.ekstra pa si mona.WINNER:Cha)

Ere madalas nilang gawin pag wala sila magawa.At ang galeng talaga nila dito.Haha.As in,kahit naiiyak na sila ,la pa din sumusuko.Pero kadalasan,ehem,lage..si Cha ang nananalo.

Wala,gusto ko lang talaga magpost ng tungkol sa kanila.Hehe.Kahit walang kwenta.Tsk.

sinong super hero ang gutom?

sino?

Si eagleman!!

bakit?

Dahil hindi nagbrebreakfast si Eagleman!!

taee.ang korni.
Pero tawa ako ng tawa nung jinoke saken to ni Elmo.Bigay na bigay kase.Hehe:P

mermer


maemae

naks

:)

Saturday, September 19, 2009

"and its all white.."


"what if there are no signs?is the absence of signs a sign?"

-serendipity

ayan,naalala ko tuloy yang movie na yan.Hehe.

09/11/09
10:24:44 pm


"diba kung mahal mo yung isang tao,gagawin mo lahat para maging masaya sya?pano kung magiging masaya sya,kapag tumigil ka na..?"

-idol

_________
yan yung tinanong sakin ni idol nung night na sinabi sakin ni Pong na tumigil na ko.Ang sinagot ko?De ciemperd,titigil.Kahit mahirap.Kung dun naman sya sasaya diba.

Di nya ko gsto masaktan.Di nya ko gusto mahirapan.Kung pwede daw,wag na sya mahalin ko(ang korni..haha).Kase di nya masusuklian yung pagmamahal ko.E nakanaman.Kung kaya ko nga lang,bakit hindi diba?Ayaw ko na din naman paasahin yung sarili ko.Pero wala e.Di ko kaya pigilan.Sinabi ko na lang ok.Di ko naman hiniling na suklian nya yun.OK na lang.Para di na nya isipin yung mararamdaman ko.Sabi ni idol,papakatanga na ko.Sabi ko,haha,taee,oo nga.

Tapos,sabi ni idol,humingi daw ako ng sign.Para malaman ko na kung ano dapat gawin.Para malaman ko na kung dapat ako tumigil o hindi.Nakalimutan ko na nga yun e.Tapos kahapon.Nag-open ako kay mixuu at kring.Nung nageexam sila nun sa chem.Tapos ayun.Sabi nila,hingin ko na daw yung sign.Kaya nagisip kami kung anong pwede. Tapos yun,naisip ko nga.Since saturday naman kinabukasan at civilian ang attire,sabi ko kulay ng tshirt nya.Ayun.

Sabi ko.Sige,pag naka white sya ng saturday,hindi ako titigil.Pero pag ibang kulay suot nya,titigil na ko.Pipilitin ko mawala na talaga yung nararamdaman ko.As in yung wala na talaga hanggat kaya ko.Agree namna si kring at mixuu.Excited pa nga sila.Ako,kinakabahan.Di ko kase alam kung ano magiging reaction ko.

Malaki yung chance na hindi sya magwhite.As in,nakaprepared na ko kung ganon man.Hehe,pero grabe,buong gabe talaga ko kinakabahan nun kung ano mangyayare.

Kinabukasan,nag white ako.CAT tsirt ko.Ewan ko nga ba kung bakit pero feel na feel ko magwhite.Para bang,para matanggap ko agad yung mangyayari kahit di sya nakawhite.Kaya ayun.Nagwhite ako ng bonggang-bongga.

Pagsakay ko sa jip,nag gm ako.7 am ang klase ko.& am din ako lumayas.Haha.Si mona na lang nagreply sakin.Sabi sakin pagdala ko daw sya ng noodles kase kelangan namin yun sa nstp.E nakalimutan ko din yun.Kaya pagdating ko ng school,bumili ako sa cantin.Pagdating ko,nakita ko si Chastine.Bumili din kasi sya ng noodles.Naka white.KAtxt ko nun si Kring.Sabi nya pumasok na daw ako.Sa hall,nakita ko.Si mona saka si Elmer,naka white.Pagpasok ko sa room.Si kring saka si Rizza,naka white.Ayun,haha,natatawa na lang ako.Kase habang dumadating yung mga classmate ko,karamihan..nakaputi.Ayun,nagsama sama kame ni kring,cha at mixuu na nakawhite din.Haha,sabi ko ke kring,maghihimagsik kami.Natatawa talaga ko.Tapus ayun,expected ko nakapink sya.Haha.Ayun kwento ng kwento.Tapos natingin si Cha sa bintana.Tapos tumili silang tatlo.Pagtingin ko,andun sya,papasok ng room.Naka white.

waw..

Ayun.Sabi ng sign.Wag ako tumigil.Sabi nya,tigil na.Ano ba talaga?


Di ko alam magiging reaction ko.Natatawa na lang sila.Bat daw ganun.Tapos pumasok si jenn.Naka white din.Tas nagtabi na kami.

and its all white..


"Ang puso,di ginawa para MaSAKTAN.Nandyan yan para magbigay saya,at di para pahirapan.."

-idol pa din :D

E pano kung yung rason kung bakit ka nasasaktan,e yung parehong rason kung bakit ka sumasaya?Hahayaan mo na lang ba to mawala para di ka na mahirapan?O ipagpapatuloy mo dahil ito ang iyong kasiyahan?

Pano kung sa simpleng nautulungan kita,yun na ang kasiyahan ko?

tsk.ubËr kÖrni..
haha

aist..

;)

Thursday, September 10, 2009

"happy tree friends"


"sana masaya na lang lahat"
Para hindi na ako nakokonsensya tuwing me nasasaktan.
Para di na ko natatakot na ako yung dahilan
Para alam kong walang nahihirapan
Para wala ng magsabi ng 'ganyanan'..
ayan..sobrang badtrip.Dahil sa wala.Bat kase ganun.Amfufu

Saturday, September 5, 2009

'Which romance movie do you fit into?"


RON and HERMIONE
♥♥♥♥♥♥♥♥



You'll end up with someone who's been a very close friend...you know each other inside and out and are fully comfortable with each other...this romance is truly magical.



-wow..sino kaya re..hanggand dito ba naman sinusundan ako ng hp??haha,pero ok lang..sila naman fave loveteam ko e..haha,charot:))

ikaw lang talaga,at wala ng iba..


PINAKAKORNING LOVE TEAM NG TAON:

MERMAE

"kung nakakamatay lang ang kilig,patay na ko"
-chayong


cha and elmo-di ko talaga inexpect na magiging ganto tong dalawa.Fairness ha,kinikilig ako senyo.MAS kesa sa ,lam niyo na..lolo-lola loveteam..hehe..yan ha,nagpost ako para senyong dalawa (para namang mababasa niyo to,hehe).Mga nagpasimuno ng sobrang cheesy na usapan

sa url..

www.friendster.com/mermermaemermer

cha: bakit me mae sa gitna?

elmo: syempre kaw asa gitna..kaw asa <3>

haha,,oo ganyan silang mag-usap,OA no??tapos kanina..waaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!tama naaaaaaa!!!!!!haha

saka ko na lang kayo gagawan ng mas mahabang post..hehe,,tinatamad na ku e.me malagay lang..haha

"Kung nakaka ambon lang ang kilig..baha na dito"

-elmo

tsk..korni talaga :P