Saturday, September 5, 2009

but you are everything to me..


"she cant see the way your eyes
light up when you smile..
she never notice how you stop and stare,
whenever she walks by.."


okay,so dahil kakaririn ko
na talaga tong blog na to,kwekwento ko na lahat ng mga nangyayari sakin kahit kapalit non ay yung mga death threats mula kay ate (exage yan,blackmails lang talaga..),tutal sya lang naman ang me kusa talaga na dumalaw dito:)kaya wak ka ng maingay at magsisimula na ko..


una ko sya nakilala as the boy who texted 'gandang umaga' at night;'gandang tanghali' at morning, and ofcourse, 'gandang gabe' at noons.At oo,super korny nya,Haha.Halata naman diba?Tapos nun,wala di ko na lam nangyare pag tapos nun..Nagpagawa sya saken ng bg sa fs kaya nakausap ko sya.Tapos yun,alam ko na lang,crush ko na sya at..nalaman niya.Amp,sobrang bwiset ko talaga nung una non kase sinabi nung pinagsabihan ko ng *secret* sa kanya.At eto,nilaglag pa ko sa harap nya.Hmn..pagtapos non,nagkakachat na kame.Kala daw niya nung una,hindi daw totoo na crush ko sya.Swerte niya no!!haha..

(habang tinatype ko to,nagaasaran sa status message sa ym yung dalawang tao na involve sa post na to..malalaman mo din)

dun ko nalaman na crush nya si jenn.Bestfriend ko.Actually nung una hindi lang naman si jenn.Madame.Super short cut ko na lang ha.Naging bestfriend ko sya.Tapos ayun,sakin sya nagpapakwento na tungkol ke jenn.Sakin nagsasabi ng problema.At dahil mabait akong kaibigan,tumutulong ako.Hehe.Kaso eto nagpagulo sakin.First time na nagyari sakin to.Ang umiyak sa isang lalaki na wala naman directly ginawa sakin.Yung nasaktan ka lang sa ginawa niya.Sinabi ko sa kanya non,pano kami naging magbest,di nga kame nagkakausap ng personal?Sabi nya,pramis daw mag-uusap kami.Tapos nun,buong araw ko hinintay na kausapin nya ko,hanggang sa umuwi kame.Kala mo tapos na?Di pa.Di pa kase kami uuwi nun dahil pupunta kami sa library ng roxas.Nung papunta na kami,nakita ko,kinakausap nya si jenn.Ayun,naramdaman ko yng sakit.(haha,ganon ba talaga ko kahirap iapproach?ang drama nire ha..) That time,alam ko na.Nahulog na ko.Yes,tae talaga.Inlove ako?Di na ko nagtanda no?Pero syempre mahirap naman kase pigilan.

Well.Tuloy lang ang buhay.Tuloy lang sa dating ginagawa.Naalala ko yung tanong nya sakin non:

Pong: Sino mas pipiliin mo?Yung mahal mo o yung nagmamahal sayo?

Ako: Syempre yung mahal ko.Mahal ko nga e.

Pong: Ako hindi.Pipiliin ko yung nagmamahal saken.

Ako: E magkaiba tayo.Date ganyan din yung tingin ko.Kaso kahit ano mang pilit mong kalimutan yung taong mahal mo,hindi mo kakayanin.Mahal mo nga diba.

Sa mga time na to,nararamdaman ko na na alam nya na may feelings na talaga ko sa kanya.Ramdam ko yon.Di ko lang talaga pinapahalata dahil sa 1) Maiilang sya sakin.. at 2) si jenn yung mahal nya.O diba?Pang telenovela ang drama.Haha.

Dumating yung time kung saan nagsimula lahat ng drama ng buhay ko.Gabe nun.Kachat ko sya.Nakalimutan ko na yung topic na pinag-uusapan namin.Nung bigla nya siningit to."Naguguluhan na ko".Hindi ko muna pinap[ansin nung una yan.Nung tinanong ko sabi lang nya basta.Tapos nung mag-out na kami,nag unyt sya,tinawagan nya ko.Dun nya sinabi lahat.Na naguguluhan daw sya kase tingin nya mahal na din nya ko.At ako pa sinisi.Ang bait ko daw kase.Sabi nya lam daw nyang mahal ko sya,kase ramdam daw nya.Ciemperd gulat din kase ko non.At yun,mahirap talaga yung sitwasyon.Kase,ano ba yun?Dalawa kaming mahal nya?..at magbestfriend pa?Nak ng tokwa..

Tas lumipas yung mga araw,ganon pa din kame,pagkakaiba lang,sinasabi nya nga na mahal nya ko.Tapos may time na nasa draw kame,pagtingin ko sa kanya,nag mouth words sya ng "love you",e katabi ko si jenn non.Di ko alam kung para kanino talaga yun,kaya sabi ko na lang 'ha?'..hehe.Pamatay.Kwinento ko ke chastine yung nangyari na yun,practice namin ng speech choir.Nagulat pa sya.Kase sabi nya,nakikita din daw nya si pong ng naggaganun kay jenn.Ciemperd ako,disappointed.Nasaktan.Kase kala ko ako lang yung ginaganon nya.Tapos,malalaman ko si jenn din pala.Umiyak ako.Nagtaka pa sila kung bat umiyak ako.Nilapitan pa nga ko ni Pong nun e.Tinanong nya kung ok lang ba ko.Dahil naiinis ako sa kanya non,sabi ko,,wala.Ayun,pikon.

Pagkatapos nung time na yun,sinabi ko na sa sarili ko na wag ako mag-expect ng kahit ano.Kase alam ko,si jenn yung una nyang minahal,alam ko si jenn yung pipiliin nya.

Sinabi ko sa kanya,para di na sya mahirapan,tigilan na yung samen.Tutal magbestfriend na naman kame e.Sabi nya,aist.Di nya kaya.Masarap daw ako mahalin.Eklabs.Ewan.

Nalaman kong mahal din talaga sya ni jenn.Aksidente.Hehe.Buti na lang me tinatawag na wrong send.

Ayan.Soo..isuuuuuper fast forward na natin hanggang sa present time:)

Si jenn talaga.Walang paalam.Walang pasabe.

At magbestfriend pa din kame.Hindi kase ko madaling mang-iwan.Yun talaga problema sakin.Mahirap makalimot.

"and you cant see me wanting you the way you want her,

coz you are everything to me.."

Well,nagkagulo na lahat ngayun.Si jenn pinili nya.Ayaw na ni Jenn.Ako?Pinag-aayos ko silang dalawa.At mahal ko pa din sya.(awww...)Masakit sakin ciemperd.Pero dahil labs ko silang dalawa,at alam kong mahal nila ang isat-isa,yoko na maging epal sa kanila.Kaya eto ang task ko.Pabalikin sila sa dati.

Nag-oopen pa din sakin si Pong.Pero di na katulad ng dati.Nabasa ko yung mga txt niya kay Jenn.Na maghihintay sya kahit gano katagal.Mabalik lang yung dati nilang samahan.Pero ang sumipa saken?yung sinabi nya kay jenn na.. "You are everything to me..".Taee..linya ko yun e!!

Ngayon?Itutuloy ko pa din yung ginagawa ko.Pero ciemperd kelangan ko na sya alisin sa puso ko (korni..).Di ko lang talaga alam kung pano..

Malalaman din nya halaga ko pag nawala ko.

Closure.

Patay ka saken!!

hehe.best pa din kita :)

ADIK!!!



(sa kung sino man makakabasa nito: wag na kayo magreklamo ,dito lan ako naglalabas ng sama ng loob..tae talaga..haha)

..instead im just invisible

0 comments:

Post a Comment